Sagot :
Para sa akin tama naman na sila ang magpasya sa kanilang anak kung alam nilang ito ang nakakabuti. Ngunit mas mainam rin na tanungin nila ang kanilang anak kung ano ang mga hilig at gusto nito para hindi sila magsisisi sa desisyong ginawa nila.
Halimbawa, Hindi gusto ng iyong anak ang pinakuha mong kurso sa kanya ngunit pinilit mo siyang ito ang kunin niya dahil mabuti at maganda itong kurso. Kapag sinunod ka nila, hindi siya magiging masaya at baka mabagsak siya sa kursong kinuha niya. Minsan kailangan din nating pakinggan ang ating mga anak dahil may sarili din silang gusto na ikakasaya nila.