1. Paano nalaman ni Isabella ang pananalasa ng bagyo sa Tacloban? Ibigay ang iba't ibang damdamin ni Isabella tungkol sa trahedya. 2. Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari na naghatid kay Isabella upang tumulong at magbigay sa mga biktima ng bagyo. 3. Kung ikaw si Isabella, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? 4. Ibigay ang paksa ng nabasang talaarawan. 5. Subukang magtanong sa matatandang kasama sa bahay o balikan ang mga nabasa, napanood, at nakitang imahen sa mga pahayagan/ telebisyon na kaugnay sa nangyaring trahedya sa Tacloban. Ibigay ang mahahalagang pangyayari ng napanood na dokumentaryo at isulat ang iyong naramdaman pagkatapos mo itong mapanood.