Panuto: Sumulat ng tatlong saknong na tulang naglalarawan na
pumapaksa sa (pag-ibig sa Diyos, kapwa, at iba pa.)
Gumamit ng matatalinghagang pahayag/ pananalita sa iyong
susulating tula. Salungguhitan ang mga ito.
Pagkatapos Maisulat ang Tula. Iguhit mo ang interpretasyon ng
tulang sinulat.​


Sagot :

Answer:

Isang gabi'y naghari ang lagim

May mga taong puno ng sakim—

Bukang-liwayway kusang tumakas,

Natitirang pag-asa'y tuluyang lumipas.

Halina't paghariin muli ang liwanag

Kabutihan ng Diyos, ating ipahayag

Pagmamahal sa bawat isa'y pagyamanin,

Mga likong daan, ating tuwirin.

Sapagkat tayo ma'y pagsukluban ng langit at lupa,

Basta't manatili tayong kapit-bisig sa mga problema,

Panatilihin ang lubos na pagmamahal sa kapwa,

Tiyak na mananaig ang kabutihan— muling sisikat, ating pag-asa.

on the spot po yan ginawa, please bear with my errors po(also baka may mga di ako nasalungguhitan na mga matatalinghagang salita), hope it helps!