Sagot :
KASAGUTAN
"Ang Pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan"
1.) Ano ang pananaw na inilahad sa unang saknong?
- Binibigyang halaga ng unang saknong ang pamana o mga bagay na ating nakalap mula sa nakaraan na talaga namang kapakipakinabang sa kasalukuyang panahon hanggang sa mga susunod pa. Binibigyang pansin ng saknong na naturan ang kasaysayan ng ating nakaraan na talaga namang makakapagpaunlad sa ating kasalukuyan, hanggang sa ating hinaharap.
- Ito din ay may ipinapahiwatig sa atin na ang bawat paghakbang o pagusad na ating gagawin ay may kaakibat na kaunlaran sa buhay o may mararâting.
2.) Ibigay ang pagbabagong naganap sa buhay ng pangunahing tauhan ayon sa iyong sariling pananaw.
- Sa aking palagay, malaki ang pang-unawa ng dalawang tauhan sa akdang aking nabasa dahil sa nagagawa nilang bigyan ng interpretasyon ang iba't ibang bagay. Ang mga pagbabagong naganap sa kanilang buhay base sa akda ay ang kanilang mga reyalisasyon tungkol sa mga pagbabago sa ating lipunan at ang kahalagahan ng pamana ng ating nakaraan.
3.) Sa pangkalahatan, ano ang nais ipabatid ng may akda sa kanyang mga mambabasa
- Nais nitong ipabatid sa atin na ang lahat ng ating paghakbang ay may mararâting sa buhay at nais din nitong ipaalam sa atin na nararapat nating pahalagahan ang nakaraan dahil parte ito ng ating kasalukuyan hanggang sa kinabukasan.
==================
#CarryOnLearning
==================