Sagot :
Answer:
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kaniyang na makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Balikan natin ang iyong napag-aralan noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa lamang, tinalakay ninyo ang tungkol sa tamang pagpapasya. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing nagpapasya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa at sa lipunan.