Tayo ay may iba’t ibang opinyon pagdating sa pagwawakas ng anumang akdang pampanitikan. Ilan sa mga Pilipino ay mas gusto ang masayang wakas. Nais nila’y nagtatagumpay ang pangunahing tauhan sa pagwawakas ng kuwento. Ito ay hindi nangyayari sa lahat ng kuwento, nobela o pelikula. May mga kuwento ring ang wakas ay bitin, o ibinibigay sa mambabasa ang pagbibigay ng wakas sa kuwento. Kaya naman, kadalasan gumagawa tayo ng sarili nating wakas. Ito ay paraan ng dekonstruksiyon. Sa pagbuo ng sariling wakas ng kuwento, kailangang naiintindihan ng susulat nang buong-buo ang sunod-sunod na mga pangyayari sa kuwento. Kailangan ding nakikilala niya ang bawat tauhan, ang mga katangian nito na ikinaiiba niya sa ibang tauhan ng kuwento.